NCR COVID daily positivity rate bahagyang tumaas – OCTA

NCR COVID daily positivity rate bahagyang tumaas – OCTA

August 13, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bahagyang tumaas ang daily positivity rate ng National Capital Region (NCR) sa loob ng tatlong araw, subalit hindi pa malinaw kung nag-peak na ito sa rehiyon, ayon sa independent group OCTA Research  nitong Sabado.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na naitala sa NCR ang daily positivity rate na 17.9% hanggang nitong Huwebes.

“With slight increases over the past 3 days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” ayon kay David.

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa test.

Nauna nang naiulat ng OCTA Research na ang one-week positivity rate ng NCR ay bumaba mula 17.4% noong Agosto 6 sa 15.9% nitong Agosto 9.

Sinabi ni David mas matagal ang COVID-19 wavesa bansa kumpara sa inaasahan na maaaring umabot hanggang “ber” months. RNT/SA