NCR ‘di pa handa sa Alert Level 2 – OCTA

NCR ‘di pa handa sa Alert Level 2 – OCTA

January 29, 2022 @ 10:32 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng OCTA Research na hindi pa handa ang Metro Manila na ibaba sa Alert Level 2 kahit pa nababawasan na ang kaso ng COVID.

Sinabi ni OCTA fellow Guido David na ang healthcare utilization sa National Capital Region ay kasalukuyang nasa low risk ngunit sa ibang pamantayan ng Inter-Agency Task Force bilang basehan ay nananatili ito sa high risk.

“The average daily attack rate will still be high and the positivity rate will still be above 10% and I think those will be major considerations in deciding whether to go down in alert level two,” ani David sa CNN Philippines.

Sa susunod na linggo aniya ay maaari itong bumaba sa moderate risk.

“My sense is that they might wait for the number of cases to decrease even further and that will be a long way actually because after next week, the NCR might already be moving to low risk. When that happens, definitely I think Alert Level 2 can be considered.”

Dagdag pa ni David, ang mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila at mayorya ng Calabarzon at Central Luzon ay patuloy na bumababa.

“I am foreseeing that because the trends have been close to peaking or peaking in many areas outside NCR Plus, that the number of cases will probably start to decrease over the next few days,” paliwanag pa ng eksperto.

 “I would tend to guess that soon we will be at less than 10,000 cases per day. It could happen probably within one to two weeks.” RNT/FGDC