NCR growth rate bumaba sa 28%; ‘peak’ pinangangambahan sa loob ng 7 araw – OCTA

NCR growth rate bumaba sa 28%; ‘peak’ pinangangambahan sa loob ng 7 araw – OCTA

July 16, 2022 @ 2:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng OCTA Research group nitong Sabado na posible ang pagsirit ng  COVID-19 cases sa National Capital Region sa loob ng pitong araw, sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso, subalit sa mas mababang growth rate na 28%.

Ayon sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, iniulat niya na mas mababa ang 28% growth rate kumpara sa 41% noong nakaraang linggo.

Mula Hulyo 9 hanggang 15, nakapagtala ang NCR ng average na 802 kaso kada araw, na mas mataas kumpara sa 624 average mula Hulyo 2 hanggang 8.

“With the current rate of decrease, the peak in the NCR could happen within seven days,” pahayag ng OCTA Research. 

Base rin kay David, inaasahang mas magtatagal ang Omicron BA.4 o ang BA.5 wave sa NCR kumpara sa upsurge sa South Africa.

“This current wave is still far from the levels of the Delta surge and the January Omicron surge, and hospitals are not likely to get filled up,” sabi pa ni Davidat inabisuhan ang publiko na mag-ingat.

Naiulat ng Department of Health (DOH) na ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa NCR ay sumampa sa 13% habang ang national rate stood ay nananatili sa 10%. RNT/SA