NCR ‘high risk’ na sa pag-akyat ng positivity rate sa 28%- OCTA

NCR ‘high risk’ na sa pag-akyat ng positivity rate sa 28%- OCTA

January 2, 2022 @ 9:12 AM 8 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat na ang coronavirus disease (COVID-19) reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa 4.05, pinakamataas mula Abril 1, 2020, habang tumaas din ang positivity rate jumped sa 28 porsyento, ayon sa OCTA Research group nitong Sabado.

Tumutukoy ang reproduction rate sa bilang ng indibidwal na nahahawa sa isang kaso. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahuluhan na bumabagal na ang pagkalat ng virus.

Sa isang tweet, inilahad ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng halos 2,530 bagong kaso sa NCR sa Bagong Taon, pinakamataas sa loob ng tatlong buwan, o simula Oktubre 10, 2021.

Mula Disyembre 26, 2021 hanggang Enero 1, 2022, tumaas ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases ng 969 porsyento, (mula 90 na hanggang 962), base kay David.

“Lower testing output will likely lead to a dip in the numbers in the NCR for January 2 to 3 (to less than 2,000),” aniya.

Sa pinakabagong update ng OCTA, tumaas na rin ang daily positivity rate sa NCR sa 28.03 porsyento, mula sa 21 porsyento noong nakaraan.

“With the increase in positivity rate, NCR is now classified as high risk,” ayon pa sa tweet ni David.

Sinabi rin ni David na ang seven-day average sa positivity rate ay tumaas sa 12.94 porsyento mula sa 1.15 porsyento nitong nakaraang linggo.

“Although there is an expected decrease in testing due to holidays, this is offset by the increase in positivity rate, which was at 21% just a day prior,” paglalahad niya.

Base rin sa OCTA fellow, mananatili ang bilang ng COVID-19 cases sa parehong range simul Enero 1 na nasa 2,500 hanggang 3,000 baging kaso sa NCR at 3,500 hanggang 4,000 kaso sa buong bansa.

Samantala, inilagay naman ng COVID-19 task force ang NCR sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022 kasunod ng pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Hopefully, the move to Alert Level 3 will help curb transmissions. As always, we hope everyone stays safe and healthy,” pahayag ni David. RNT/SA