NCR, Luzon nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

NCR, Luzon nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

May 24, 2022 @ 6:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – May bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa  National Capital Region at Luzon, sinabi ni Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman.

Sa kabila nito, ang bansa at karamihan sa mga rehiyon nito ay nananatili sa ilalim ng  minimal risk case classification laban sa coronavirus disease 2019

Ayon kay De Guzman, nakitaan ng pagtaas ng kaso sa NCR at sa kabuuan ng Luzon mula kalagitnaan ng Mayo.

Pero sinabi ni De Guzman na nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 na wala pang 100 kada lahat ng grupo ng isla simula noong Abril ngayong taon.

“Bagaman mababa na ang ating mga kaso, kinakailangan pa rin natin i-monitor ang mga pagtaas na ito kahit na hindi ito na tra-translate sa pagtaas ng ating national positivity rate,” pahayag ni De Guzman sa online briefing .

Upang mapababa ang kaso, hinimok niya ang publiko na sundin ang  minimum public health standards at nagpabakuna laban sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden