NCR magiging “Delta resilient” sa tuloy-tuloy na pagbabakuna – OCTA

NCR magiging “Delta resilient” sa tuloy-tuloy na pagbabakuna – OCTA

July 7, 2021 @ 7:43 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Maaaring maging “Delta resilient” ang National Capital Region (NCR) sa mga darating na buwan kung pagbabasehan ang datos ng COVID-19 vaccinations nito.

Ayon kay OCTA Research fellow at molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco, ito ay dahil nakaturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccines ang 20 hanggang 70 percent ng populasyon ng rehiyon.

“Each LGU has vaccinated between 20 percent to 70 percent of their population, one dose, which suggests that a month from now or a month and a half from now, that [percentage] will be fully vaccinated people,” saad ni Austriaco sa interview ng ABS-CBN News Channel.

“And so, the data suggests that in a few months, the NCR particularly, may be ‘Delta resilient’ and if this is the case, this is good news for the country,” dagdag niya.

Hanggang noong Hulyo 5, nakapagtala ang Pilipinas ng 19 na kaso ng nakahahawang Delta variant.

Samantala, naniniwala naman si Austriaco na ginagawa ng gobyerno ang lahat sa kabila ng labis na kakulangan ng suplay sa COVID-19 vaccines.

“I am a Filipino-American and I have been struck by the tremendous gap between the U.S. and the Philippines, my two home countries, with regards to access to vaccines, so I am not going to fault the government at this time for the delayed rollout, we just simply could not get vaccines,” aniya.

Matatandaang ilang lungsod sa Metro Manila ang pansamantalang tumigil sa pagbabakuna dahil sa limitadong suplay. RNT