NCR mananatili sa Alert Level 3; HCUR dapat manatili ng mas mababa sa 70%

NCR mananatili sa Alert Level 3; HCUR dapat manatili ng mas mababa sa 70%

January 13, 2022 @ 3:11 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Irerekomenda ng Inter-Agency Task Force na manatili ang National Capital Region sa Alert Level 3 kung mananatili ang healthcare utilization rate sa mas mababa sa 70%, batay sa Department of Health (DOH).

Sa datos galing sa DOH, nakitang 56% ng ICU beds sa rehiyon ay okupado na habang 55% ng isolation bed ang sa ngayon ay ginagamit.

“They’re well within the moderate risk classification. So unless these breaches 70% utilization rate both for total beds and ICU beds, we will recommend to keep the status quo,”lahad ni Health Secretary Francisco Duque III sa CNN.

Sa Laging Handa briefing, sinabi rin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na ‘manageable’ pa ang kaso ng COVID.

“Kapag i-escalate mo sa Level 4, ang ibig sabihin niyan talagang 71% na ‘yung ating healthcare utilization rate. Ang mataas ngayon ‘yung epidemic growth na talagang more than 200% sa NCR as taka ‘yung ADAR,” dagdag ni Vega.

 “Pero pinakaimportante ‘yung HCUR o ‘yung healthcare utilization at mababa pa rin naman ito sa NCR, nasa border lang ng low risk at saka moderate at 60%.”

Aminado rin ang opisyal na umabot na sa 70% ang healthcare utilization rate sa ilang rehiyon.

“May mga areas talaga like San Juan, Taguig, Quezon City, ito ‘yung mga areas — at saka Marikina — na medyo mataas na, mga 71% na sila.”

“So kailangan lang talaga ang coordinating o transfer nitong mga pasyente na nangangailangan talaga ng admissions sa mga ospital na puwede pa, may capacity pa to accept,” dagdag pa nito. RNT/FGDC