NCR markets susuyurin ng BFAR vs iligal na pagbebenta ng imported fish

NCR markets susuyurin ng BFAR vs iligal na pagbebenta ng imported fish

November 25, 2022 @ 7:14 AM 5 days ago


Nagkasa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng kampanya laban sa pagbebenta ng hindi awtorisadong imported na isda sa mga wet market sa Pilipinas sa gitna ng fishing ban.

Ginawa ng BFAR ang babala nang madiskubre nila ang pagbebenta ng salmon, pampano, at pusit sa Commonwealth market sa Quezon City sa kanilang pagbisita rito.

Sinabi ni BFA officer-in-charge Demosthenes Escoto na ang inspeksyon ay bahagi ng information campaign ng ahensya na titiyakin ang kapakanan ng mga lokal na mangingisda sa bansa habang may fishing ban.

Idinagdag niya na ang kampanya ng BFAR na tinaguriang “Imported na isda sa merkado, pwede kapag otorisado” ay naglalayong tulungan ang mga vendor na maunawaan at maisagawa ang mga umiiral na patakaran.

“Tanging ang mga isda na inangkat sa pamamagitan ng Fisheries Administrative Order (FAO) 259 at ang kamakailang CNI (Certificate of Necessity to Import), na nagbibigay ng prayoridad sa mga municipal fishing associations/cooperatives at commercial fishing operators na apektado ng closed season ng pangingisda, ay ang pinapayagang ibenta sa the wet markets,” giit ng BFAR official.

Maliban dito, inaasahan din ng ahensya na tutulong ang mga vendor sa pagpigil sa hindi awtorisadong paglilipat ng mga inangkat na frozen fish sa merkado.

Sa ngayon, target ng BFAR na bisitahin ang 21 wet markets sa National Capital Region. RNT