NCR may ‘severe COVID outbreak’; 89.42% ADAR naitala —OCTA

NCR may ‘severe COVID outbreak’; 89.42% ADAR naitala —OCTA

January 11, 2022 @ 11:13 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sumipa ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) sa 89.42%, na nangangahulugang nakararanas ang rehiyon ng “severe outbreak,” ayon sa independent monitoring group OCTA Research, Martes.

Sa isang Tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang ADAR ng NCR mula Disyembre 28, 2021 hanggang Enero 3, 2022 ay nasa 12.71%.

Ani David na pitong beses na mas malaki ito mula Enero 4 hanggang 10 na umabot na sa 89.42%.

Ang ADAR ay tumutukoy sa insidente na nagpapakita ng average na number ng bagong kaso sa isang panahon kada 100,000 katao.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni David na bumabagal na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa NCR, patunoy rito ang pagbaba ng reproduction number.

“The reproduction number decreased to 5.22 from 5.65, which indicates the trend slowed down slightly,” aniya pa.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilis ng hawaan ng COVID-19 kada isang kaso.

Habang tumaas naman ang health care utilization sa 57% ngayong linggo lang, kumpara sa 27% sa nakaraang linggo.

Maging ang intensive care unit (ICU) occupancy na dati ay 29% noong Disyembre 28 hanggang Enero 3 ay nasa 52% na nitong Enero 4 to 10.

“Hospital bed occupancy increased to 57% and is likely to exceed 70% next week,” ani David.

Pangkalahaatan, maituturing nang  ‘very high risk’ ang NCR, dagdag pa ni David. RNT