NCR mayors babalangkas ng alituntunin sa paglabas ng mga bata sa open areas – Abalos

NCR mayors babalangkas ng alituntunin sa paglabas ng mga bata sa open areas – Abalos

July 11, 2021 @ 4:45 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Babalangkas ang Metro Manila Council (MMC) ng isang resolusyon para sa alintuning paiiralin sa paglabas ng mga bata sa mga open areas.

“What we are going to do, we will list down parks and open areas in Metro Manila these coming days [to guide] Metro Manilans on where to go,” lahad ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr. sa isang panayam ng GMA News.

Aniya, napagkasunduan ito ng mga alkalde sa naganap na pagpupulong nitong Linggo.

Dagdag ng opisyal na lilimitahan din ang bilang ng tao na maaaring manatili sa isang open area.

“It would be a resolution na parang guide lang naman (a sort of a guide) for local government units. What’s important is to prevent overcrowding,” ani Abalos.

Isasaaalang-alang din sa resolusyon ang minimum public health standards sa mga parke at open areas.

“This came from health experts. Ibig sabihin talagang masusing pinag-aralan kung open space,  ang level ng infection hindi ganun ka grabe. This will be for social, mental, physical, and health of children,” saad pa nito.

Inaasahang ilabas ang resolusyon ngayong linggo. RNT/ELM