NCR mayors magpupulong para sa IATF policy sa paglabas ng mga bata

NCR mayors magpupulong para sa IATF policy sa paglabas ng mga bata

July 10, 2021 @ 3:08 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong ang mayors ng National Capital Region mayors bukas ng umaga upang pag-usapan ang polisiya sa pagpayag sa mga bata na makalabas sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Sa panig ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos, may kakayahang magdesisyon ang local government units (LGUs) kung paano nila ipatutupad ang polisiya/

 

Para kay Cabinet Secretary and IATF co-chairperson Karlo Nograles, maaaring itaas ng LGUs ang age requirement.

“May kakayahan ang mga LGU na itaas ang edad ng mga batang papayagan nilang lumabas kung hindi pa sila komportable sa edad 5 taong gulang pataas,” saad nito sa Dobol B TV. RNT/FGDC