NCR moderate risk na lang sa sunod na linggo – OCTA

NCR moderate risk na lang sa sunod na linggo – OCTA

January 26, 2022 @ 10:44 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na maibaba na sa moderate risk classification ang National Capital Region (NCR) sa sunod na linggo mula sa “high risk” para sa COVID-19, ayon sa OCTA Research, Miyerkoles.

“Expecting NCR to be at moderate risk next week,” ani OCTA fellow Dr. Guido David sa Twitter kung saan ikinokonsidera na itong magandang sensyales matapos na manggaling sa severe category ang NCR.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), sinabi ng OCTA na ang seven-day average cases sa NCR ay bumaba mula sa 15,782 nitong Enero 12 hanggang 18 hanggang sa 6,280 mula Enero 19 hanggang 25.

Maging ang one-week average daily attack rate (ADAR) ay bumulusok din sa 44 nitong Enero 19 hanggang 25 mula sa 111 noong Enero 12 hanggang 18.

Naitala naman nitong Enero 26, ang reproduction rate saNCR sa 0.71, mula sa 2.06 noong nakaraang linggo.

Nauna nang inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Pilipinas at ang NCR ay nasa “high risk” classification na lang mula sa critical risk para sa COVID-19 pero nananatiling mataas ang ADAR. RNT