NCR moderate risk na sa COVID-19!

NCR moderate risk na sa COVID-19!

July 29, 2022 @ 8:01 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas na sa moderate risk ang COVID-19 transmission risk sa National Capital Region, ayon sa Department of Health nitong Huwebes.

Sa isang press briefing, sinabi ni DOH assistant spokesperson Beverly Ho na ang NCR ang may pinakamataas na daily moving average na halos 1,100 kaso kada araw sa nakalipas na linggo.

Nauna nang iniulat ng DOH na limang lugar lamang sa kabisera ang nasa ilalim ng moderate risk classification kabilang dito ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros.

Samantala, nananatiling low-risk pa rin naman ang buong Pilipinas, dagdag pa ng DOH.

“Nationally, nanatili pa rin tayong nasa low-risk classification na mayroong daily average attack rate na 2.43 cases per 100,000 population [Nationally, we remain at low-risk classification with a daily average attack rate of 2.43 cases per 100,000 population] with national and lahat ng rehiyon, lahat ay nagpapakita ng pagtaas ng mga kaso nitong nakalipas na isa hanggang dalawang linggo,” ani Ho. RNT