NCR nasa ‘low risk’ sa COVID – OCTA

NCR nasa ‘low risk’ sa COVID – OCTA

February 10, 2022 @ 3:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inilagay na sa ‘low risk’ ang Metro Manila, batay sa OCTA research fellow.

Sa Twitter post ni OCTA fellow Dr. Guido David, sinabing kahapon, Pebrero 9 ay nasa ‘low risk’ na ang National Capital Region.

“National Capital Region (NCR) and Quezon are now at low risk while Batangas, Cavite, Laguna, and Rizal remained at moderate risk mainly due to high positivity rates. The public is advised to continue to observe health protocols,” lahad ni David.

Habang siyam na porsyento naman ang positivity rate sa Metro Manila at walong porsyento naman sa Quezon.

Nasa “moderate risk” naman ang Batangas (14 percent); Cavite (17 percent); Laguna (13 percent); at Rizal (10 percent). RNT/FGDC