NCR positivity rate mas mababa na sa 5% rekomendado ng WHO – OCTA

NCR positivity rate mas mababa na sa 5% rekomendado ng WHO – OCTA

February 22, 2022 @ 11:29 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 4.9% COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) na mas mababa kaysa sa rekumendadong 5% ng World Health Organization, ayon sa OCTA Research, Martes.

Sinabi ng independent monitoring group na ito ang unang pagkakataon na bumaba ang positivity rate sa rehiyon sa mas mababa sa 5% mula noong Disyembre 26, 2021 bago ang COVID-19 surge na dulot ng Omicron.

Nanatili naman ang NCR sa “low risk” classification para sa COVID-19 transmission na may average daily attack rate (ADAR) na 2.85 at reproduction number na .21.

Ang reproduction rate  ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawahan ng isang kaso. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapahiwatig na pagbagal ng hawaan sa virus.

Ang ADAR, sa kabilang banda, ay tumutukoy sa insidente na nagpapakita ng average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 katao.

Samantala, ang Batangas, Cavite, Laguna, Rizal ay lahat ay nanatili sa “low risk” classification, ayon sa OCTA Research. RNT