NCR, QC may pinakamaraming COVID case noong Dec. 8 – OCTA

NCR, QC may pinakamaraming COVID case noong Dec. 8 – OCTA

December 9, 2021 @ 11:35 AM 10 months ago


Manila, Philippines — Nangunguna pa rin ang Metro Manila at Quezon City sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa datos kahapon, Disyembre 8, batay sa OCTA Research.

Sa listahang ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa Twitter, naitala sa Quezon City ang 27 bagong kaso na sinundan naman ng Puerto Princesa, Bacolod, at Zamboanga City na nakapagtala ng tag-12 kaso.

Samantala, tagwawalong kaso naman ng COVID ang naitala sa Navotas City, Taguig City, at General Santos City.

Habang pitong bagong kaso naman ang naitala sa lungsod ng Maynila at tag-anim sa Legazpi City at Las Piñas City.

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni David na pinakamataas naman ang naitalang COVID sa Negros Occidental na may 23 pasyente.

Sinundan naman ito ng Cavite na may 16 bagong kaso; Palawan na may 13 kaso; at Zamboanga del Sur at South Cotabato na may 12 kaso. RNT/FGDC