NCR residents, 60% mas mababang tsyansang maospital sa COVID

NCR residents, 60% mas mababang tsyansang maospital sa COVID

January 12, 2022 @ 11:35 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Mas mababa ang tsyansang maospital ng mga indibidwal na may COVID-19 na nakatira sa National Capital Region (NCR) kumpara sa ibang lugar bunsod ng high vaccination rate sa rehiyon, ayon sa Department of Health.

Sa isang online media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tumaas ang Covid-19 cases sa Metro Manila nitong holidays pero karamihan sa mga ito ay hindi naospital.

Ani Vergeire nararanasan na ang decoupling sa NCR – isa itong sitwasyon  kung saan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay hindi kasing dami ng pagtaas ng severe at critical cases.

“Dahil sa mataas na vaccination rate in the NCR, we are seeing two types of COVID-19 patients admitted in our hospitals – the patients admitted for COVID-19 and cases of incidental Covid-19,” aniya pa.

Ang mga pasyenteng na-admit sa COVID ay mga indibidwal na nagpositibo sa sakit nang iadmit, habang ang incidental COVID ay naadmit sa ospital sa ibang health condition at kalaunan ay nagpositibo sa sakit.

Kinumpirma rin naman ni Inter-Agency Task Force Sub-Technical Working Group on Data Analytics member Dr. John Wong na ang vaccination status sa NCR ay “protecting the area from high hospitalization rate”.

“What we are seeing in the NCR is that compared to during the Delta surge, we have 24 percent fewer hospitalizations, and compared to non-NCR regions, we have about 60 percent fewer hospitalizations,” ani Wong.

“The difference is that back in July and September during the Delta surge, and compared to non-NCR regions, the NCR has much higher vaccination rate – I think 75 percent now, compared to 35 percent in non-NCR regions,” dagdag pa niya.

Sa ngayon 54 percent ng 1,100 ICU beds, 60 percent ng 4,500 isolation beds, 64 percent ng 4,400 ward beds, at 27 percent ng 1,000 ventilators ang ginagamit sa NCR para sa mga COVID patients. RNT