NCR walang banta sa seguridad — Eleazar

NCR walang banta sa seguridad — Eleazar

July 14, 2021 @ 11:46 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na walang banta sa seguridad sa Metro Manila makaraan ang pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang suspek ng Abu Sayyaf Group.

 “Sa panig ng PNP, wala tayong nakikitang banta ng terorismo dito sa Metro Manila,” lahad ni Eleazar.

Inaalam na aniya ang intensyon ng dalawang suspek sa pananatili nito sa Metro Manila.

Panghihikayat pa ni Eleazar sa publiko, agad iulat sa mga awtoridad kung mayroon silang kahina-hinalang naobserbahan.

Sa ulat kahapon ng Southern Police District, naaresto sina Taupik Galbun o “Pa Wahid” at Saik Galbun o “Pa Tanda”  sa  Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City noong Sabado.

Kasalukuyang nasa ilalim na sila ng kustodiya ng District Special Operations. RNT/FGDC