NCR walang COVID-19 surge – DOH

NCR walang COVID-19 surge – DOH

July 28, 2021 @ 4:39 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang surge ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila.

“We cannot call it a surge yet although we see that the number of cases are starting to increase in certain local government units,” punto ni DOH-NCR Epidemiology Director Dr. Manuel Mape II sa Laging Handa briefing.

Ito ay matapos ang ulat ng OCTA Research group na nasa 1.33 na ang reproduction rate sa rehiyon at inirekomenda ang dalawang linggong circuit-breaker lockdown.

Ayon kay Mape, nakitaan ng bahagyang pagtaas ng kaso sa Las Piñas, Makati, Pasig at San Juan.

“There is a slight increase in some LGUs, but there are days where the number of new cases do not increase. Of course, we also have to factor in that there are late reports [of confirmed cases],” aniya.

Sinabi rin nito na mayroon nang 25 kaso ng Delta variant sa NCR kung saan 16 ang aktibo, walo ang nakarekober na, at isa ang nasawi.

Narito ang listahan ng mga LGU na may Delta variant case:

  • 1 sa Las Piñas

  • 1 sa Makati

  • 1 sa Malabon

  • 10 sa Maynila

  • 1 sa Parañaque

  • 7 sa Pasig

  • 1 sa Quezon City

  • 2 sa San Juan

  • 1 sa Taguig

“The most important step now is to observe the health protocols and improve contract tracing to expand to third generation because we are seeing infections on second generation [of close contact],” ani Mape. RNT/ELM


  •  
  •  
  •