NCRPO Director Guillermo Eleazar, muling nag-ikot sa mga pulis station sa Metro Manila

NCRPO Director Guillermo Eleazar, muling nag-ikot sa mga pulis station sa Metro Manila

July 9, 2018 @ 12:37 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa kanyang pag-iikot sa police stations sa Valenzuela, isang pulis sa Marulas PCP 3 ang naaktuhang natutulog ni NCRPO Regional Director CSupt. Guillermo Eleazar. Sinabihan ni Eleazar si Garcia na mag-report sa kanya mamayang umaga kasama ang station commander.

Natuwa naman si Eleazar sa kanyang pagbisita sa QCPD Station 4 sa Novaliches dahil wala na ang tinted na salamin sa front desk na kanyang ipinatanggal noong huli niyang pagbisita sa istasyon noong June 18.

Ayon kay Eleazar, kuntento naman siya sa kanyang naging pag-iikot sa magdamag sa Maynila, Caloocan, Valenzuela at San Juan.

Aniya, mula nang simulan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pag-iikot sa police stations, tumaas ang antas ng disiplina ng mga pulis.

Dagdag ng opisyal, kailangan ng mas maraming nakaalertong pulis ngayon at gayong tinaasan na ang kanilang sahod, walang dahilan para hindi nila gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO

REMATE FILE PHOTO | VAL LEONARDO