NCRPO handa na para sa inagurasyon ni PBBM

NCRPO handa na para sa inagurasyon ni PBBM

June 17, 2022 @ 9:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng  National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na handa na para sa seguridad ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa National Museum sa Hunyo 30.

Ayon sa NCRPO nitong Huwebes, maliban sa ilang isasarang kalsada, ang one-kilometer radius ng National Museum ay idedeklarang no-fly zone para sa mga drone at aircraft, habang ilang ports at waterways na malapit sa establisyimento ang na-inspeksyon na rin.

“To ensure success, zero casualties, and any untoward incident in the upcoming inauguration, final security preparation has been finalized and laid down. This is to guarantee a smooth transition of political leadership in the country amid the continuing threat of the current health crisis,” sabi ng NCRPO sa isang pahayag.

Kaugnay nito, ang airspace sa loob ng isang kilometrong radius ng National Museum ay idedeklara bilang ‘no-fly and no drone flying zone’ gayundin ang lahat ng mga daungan at daluyan ng tubig ay ise-secure upang maiwasan ang pagpasok ng mga magiging saboteur.

Ang mga kalsada na isasara sa publiko ay ang sumusunod:

  • Kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard

  • Kahabaan ng Daang Pananalapi mula Padre Burgos hanggang Taft

  • Kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard

  • Kahabaan ng Daang Pananalapi mula Padre Burgos hanggang Taft

  • Kahabaan ng T.M. Kalaw Avenue mula Taft hanggang Roxas Boulevard

  • Kahabaan ng  Maria Orosa Street mula Padre Burgos hanggang Kalaw

  • Kahabaan ng General Luna Street mula Padre Burgos hanggang Muralla Street

  • Kahabaan ng C. Victoria Street mula Taft hanggang  Muralla

  • Kahabaan ng Ayala Boulevard, mula General Solano Street, crossing Ayala Bridge, hanggang Taft Avenue.

Hindi rin papayagan ang backpacks sa lahat ng VIP areas upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

“The ‘No Backpack Policy’ in all VIP engagement areas will also be implemented. This is to help security forces monitor more easily potential terror threats during the said occasion,” paliwanag ng NCRPO.

Tiniyak naman ni NCRPO director Maj. Gen. Felipe Natividad na mayroon silang contingency plan sakaling magkaroon ng iba pang problema.

“We have not monitored any threat ahead as of this moment but we are continuously and closely monitoring and coordinating with our counterparts,” sabi pa ni Natividad.

Napansin din ng NCRPO na ang patakaran sa gun ban na iminungkahi ni Philippine National Police (PNP) director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon at inaprubahan ni acting police chief Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ay ipapatupad.

Dahil dito, tanging mga unipormadong tauhan lamang ng mga armadong serbisyo na gumaganap ng mga opisyal na tungkulin ang papayagang magdala ng mga baril.

Pinaghahandaan na ng PNP ang aspekto ng seguridad ng inagurasyon ng dalawang nanalo sa 2022 national elections.

Sinabi ni De Leon nitong Martes na dinagdagan din ang bilang ng mga pulis na nakatalaga sa inagurasyon upang matiyak ang kaligtasan ng kaganapan.

Mula sa inisyal na 2,000 PNP personnel, 3,700 na opisyal ang ipapakalat sa Davao City para sa inagurasyon ni Vice President Sara Duterte sa Hunyo 19.

Samantala, mahigit 6,200 pulis ang dadalo para sa inagurasyon ni Marcos sa National Museum. Jocelyn Tabangcura-Domenden