NCRPO magpapakalat ng 9,500 pulis sa muling pag-ariba ng F2F classes

NCRPO magpapakalat ng 9,500 pulis sa muling pag-ariba ng F2F classes

August 17, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit-kumulang 9,500 pulis ang itatalaga sa Metro Manila upang bantayan ang pagsasagawa ng face-to-face classes, ayon kay National Capital Region Police Office chief Police Brigadier General Jonnel Estomo nitong Miyerkules.

Inihayag ni Estomo na makikipagpulong siya sa unit commanders upang talakayin ang kanilang operasyon sa pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa Agosto 22.

“More or less ganyan ang ating ide-deploy,” aniya.

Samantala, sinabi rin ng bagong talaga na NCRPO director na pagsisikapan niyang paigtingin ang random checkpoints at police visibility sa Metro Manila.

Bagama’t aminado na limitado ang resources ng NCRPO, kumpiyansa si Estomo na susuportahan ng local government units ang kanilang security efforts.

Sinabi ni Estomo na magpapatuloy din ang paglaban sa iligal na droga.

Tiniyak naman niya na mananagot ang mga pulis na magkakasala sa ilalim ng kanyang pamumuno. RNT/SA

(Mga larawan kuha nina Danny Querubin at Cesar Morales)