NCRPO naghahanda na sa Semana Santa

NCRPO naghahanda na sa Semana Santa

February 20, 2023 @ 2:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang mga ipatutupad na safety measures sa papalapit na Semana Santa, lalo na ang Ash Wednesday na hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season.

Ayon kay Brig. Gen. Jack Wanky, deputy regional director for operations ng NCRPO, mas pinaigting pa ng pulisya ang paghahanda nila sa naturang pagdiriwang.

“‘Yung security preps natin [from] the past years ine-enhance lang natin ‘yan. Actually, dumaan na sa akin ‘yung security preparations, ‘yung papel, we have already directed the district directors to implement it,” aniya.

“The same pa rin [ang measures], police visibility focusing sa simbahan saka mga religious activity,” sinabi pa ni Wanky.

Inabisuhan niya rin ang mga senior citizens at persons with special needs na dumalo na lamang online sa halip na in-person masses upang makaiwas sa maraming tao.

Sa Semana Santa noong nakaraang taon, nakapagtala ang NCRPO ng anim na kaso ng murder, 4 na homicide, 13 na physical injuries, 20 na rape, anim na serye ng robbery, 22 sa theft, 5 sa motornapping at pitong carnapping incidents sa NCR. RNT/JGC