NCRPO ‘PERFORMS WELL’  SA LAPID SLAY

NCRPO ‘PERFORMS WELL’  SA LAPID SLAY

November 3, 2022 @ 1:20 AM 1 month ago


SA kasaysayan, ang pagpaslang kay  broadcast journalist  Percy Lapid  (Percival Mabasa) ay maituturing na  pinaka-celebrated media killing case sa bansa dahil sa dami  ng  mga personalidad na isinasangkot.“Simula nang tambangan at  mapatay noong Oktubre 3 si Ka Percy  na ang laman ng balita – masusing binabantayan ng taumbayan ang mga bagong impormasyon hinggil sa isinasagawang mbestigasyon ng awtoridad.

“Gaya ng napakaraming media killings na magpahanggang ngayon ay  unsolved pa,  marami ang nag- akala na  ang paglikida kay Ka Percy  ay madadagdag sa listahan ng mga pinatay na mamamahayag na hindi nakakuha ng hustisya.

“Pero hindi sa pagkakataong ito dahil  positibo ang  resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office sa Percy  Lapid slay case sa pamamagitan nang itinatag na special investigation task group .

“Dahil sa well-planned na pagpatay, hindi pa tapos ang SITG probe. Kumbaga, dadaan pa ang investigating team sa iba’t ibang proseso para masiguro na makuha lahat  ang nasa  likod nang pagpaslang sa walang kinalatakutang broadcaster.

“Pero ang maganda, kapuri- puring nagawa na ng SITG ay  nakuha na ang gunman –  si Joel Escorial  na umamin sa naging role at sa pamamagitan ng kanyang rebelasyon ay  lumiwanag sa mga imbestigador ang kuwento tungkol sa pagpatay kay Lapid.“Dahil  malaking kaso, hindi maiiwasan ang samu’t saring komento –  positibo o negatibo –  pero ‘given’ na yan sa ganitong mga ‘celebrated case’ .

 Sa atin lang, hindi dapat magpa-apekto ang  task  force na inatasang resolbahin ang Lapid killing.“Habang tumatagal at unti-unting nahahawi ang masukal na daan patungo sa mga kasapakat at mastetmind  sa Lapid murder, kung ano-anong mga negatibong pahayag naman ang naglalabasan  na tila target ang lumiliwanag na imbestigasyon ng  pulisya.

“Sa  agos ng isinasagawang malalimang  imbestigasyon, pakiwari natin ay  nilalangoy ng mga imbestigador at operatiba ng  NCRPO – SITG ang Pacific Ocean pero  may kahirapan man, naniniwala tayo na ‘sooner or  later’ makakamtan na ni Ka Percy Lapid ang hustisyang hinahanap.”

Kung kailan maidedeklarang lutas na ang pagpaslang sa kanya, panahon lamang ang makakapagsabi  pero ngayon pa lamang ay binabati natin ang liderato ni  NCRPI chief PBGen.  Jonnel Estomo  for ‘performing well’ dahil sa  mabilis na identification at pag-custody sa gunman na naging susi sa  nangangamoy nang  solusyon ng Lapid slay case.