NCRPO walang namo-monitor na banta sa seguridad sa Holy Week, eleksyon

NCRPO walang namo-monitor na banta sa seguridad sa Holy Week, eleksyon

April 11, 2022 @ 4:57 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Walang namo-monitor ang kapulisan na anumang banta na may kaugnayan sa paggunita ng Mahal na Araw at sa halalan sa Mayo sa Metro Manila.

sa kabila nito, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Felipe Natividad na magpapakalat pa rin sila ng tauhan sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan.

“So far po, wala naman po tayong, we did not receive any threat. Wala po tayong nabalitaan na ganyan pero at the same time we are not [letting] our guards [down],” anang Natividad sa Laging Handa briefing.

Gayunman, nagbabala si Natividad sa publiko sa mga posibleng insidente ng pagnanakaw na karaniwan na sa mga ganitong okasyon.

Nabatid na nasa 11,000 pulis ang ipinakalat ng NCRPO para magbantay ngayong Holy Week.

Samantala, nasa 2,482 katao na ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa election gun ban hanggang ngayong araw ng Lunes. RNT/ JCM