NCSC: Pamamahagi ng pensyon, idaan sa cash cards, remittance centers

NCSC: Pamamahagi ng pensyon, idaan sa cash cards, remittance centers

March 2, 2023 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) nitong Huwebes na umaasa ito na ipamamahagi sa indigent elders ang kanilang monthly social pension sa pamamagitan ng cash cards at local remittance centers.

Sa public briefing, nanawagan si NCSC chairperson Franklin Quijano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at money service providers na payagan ito upang padaliin ang proseso ng pagkuha ng pensyon para sa mga kwalipikadong senior citizen.

“Kaya we are proposing for the alternative modes dahil nakikita natin ang kahalagahan ng manpower at ang importansya ng cash cards. Pagka kulang ka ng manpower, pwede nang sa cash cards,” aniya.

“We are actually hoping that we will be improving the delivery systems. Hindi lang LANDBANK na cash cards, pati po ‘yung mga last mile na money providers o service providers tulad ng Lhuillier, Palawan, at iba pa,” dagdag ni Quijano.

Noong 2022, nag- “lapse” into law ang panukala na naglalayon na dagdagan ang monthly social pension ng indigent senior citizens mula P500 sa P1,000. RNT/SA