NCT 127 successful sa kanilang sold-out concerts!

NCT 127 successful sa kanilang sold-out concerts!

May 31, 2022 @ 2:47 PM 4 weeks ago


TOKYO, Japan – Pinatunayan na naman ng NCT 127 ang kanilang kasikatan!

Ito ay makaraang dumugin ng fans at mabilis na maubos ang ticket para sa kanilang “NEO CITY: JAPAN – THE LINK” concert na ginanap noong Mayo 28 at 29 sa Tokyo Dome, Japan.

Batay sa rekord, umabot sa kabuuang 100,000 na mga fans ang nanood sa dalawang araw na concert sa Tokyo at kinailangan pang magbigay ng additional seats dahil sa mataas na demand.

Inaasahan ang pagbabalik ng NCT 127 sa Japan para sa kanilang final two shows ng Japanese Dome Tour sa Osaka, Japan na gaganapin naman sa June 25 hanggang 26. RNT/JGC