NDFP spox Araneta hinatulan ng reclusion perpetua sa 1975 murder

NDFP spox Araneta hinatulan ng reclusion perpetua sa 1975 murder

June 30, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court si National Democratic Front of the Philippines peace consultant at spokesperson Concha Araneta ng reclusion perpetua sa shooting incident sa Aklan noong 1975.

Ayon sa isang press briefer, hinatulan ng korte si Araneta na guilty beyond reasonable doubt sa pagpatay kay Metudio Inisa sa Sitio Agbanuod sa Madalag, Aklan.

“Wherefore, premises considered, judgment is hereby rendered finding accused Concha Araneta, or alias ‘Maria Concepcion Araneta’, ‘Chacon’, ‘Jojo’, ‘Etang’, guilty beyond reasonable doubt of the crime of murder… and is hereby sentenced to suffer imprisonment of reclusion perpetua,” saad sa desisyon.

Base sa Department of Justice, nakikipanuluyan si Inisa sa kanyang bayaw noong Setyembre 1975 nang siyam na indibidwal na may dalang mga armas ang dumating sa kanilang tirahan.

Isa sa mga indibidwal ay nagpakilalang miyembro ng New People’s Army. Tinanong naman ng isang babae si Iniisa kung bakit siya lumahok sa Philippine Constabulary.

“And when Inisa was not able to answer, she drew a gun and shot Inisa in the head. After which, the men fired several shots at Inisa,” paglalahad ng DOJ sa isang press briefer.

“On the other hand, the other female did not shoot Inisa. The female who shot Inisa was identified as accused Araneta. Thus, the charge of murder,” dagdag nito.

Si Araneta ay nag-plead ng guilty sa krimen noong Agosto 2015. Noong Abril 2022, naghain ang kanyang abogado ng motion to withdraw as counsel, at sinabing wala silang komunikasyon ni Araneta sa nakalipas na tatlong taon at walang impormasyon sa kanyang tinitirhan. RNT/SA