NDRRMC nakatutok sa pinsala ng M6.1 lindol sa Davao Occidental

NDRRMC nakatutok sa pinsala ng M6.1 lindol sa Davao Occidental

January 22, 2022 @ 3:35 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nakatutok na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa epekto ng magnitude 6.1 lindol sa Sarangani, Davao Occidental kaninang madaling-araw.

Inatasan na rito ang Regional DRRM office sa Davao (Region 11) na magsagawa ng initial damage assessment.

“As of this moment, [there were] no reported effects caused by the earthquake. However, the [National Operations Center] and [RDRRM] Region 11 are continuously monitoring the situation,” base sa NDRRMC information office.

Sa ngayon ay wala namang naitalang bilang ng nasawi.

Samantala, sinabi ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na natukoy ang episentro nito sa 275 km southeast ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental bandang 10:26 a.m.

Nauna itong nairekord na magnitude 6.5 quake ngunit ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 6.1. RNT/FGDC