NDRRMC officials, ipinatawag ni SGMA sa Kamara

NDRRMC officials, ipinatawag ni SGMA sa Kamara

July 27, 2018 @ 3:22 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa hangarin na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga mambabatas sa lawak ng naging pinsala ng may ilang araw na pag-uulan at naranasang pagbaha sa bansa hatid ng nagdaang mga bagyo at epekto ng hanging habagat, ipinatawag sa House of Representatives ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga opisyal ng National Disaster Ricks Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Arroyo, sa Lunes ay magbibigay ng briefing ang NDRRMC sa Kamara.

Una nang sinabi ni Arroyo sa kanyang pag-upo bilang House Speaker na tutugunan ng mga mambabatas ang pangangailangan ng kanilang mga constituents lalo na sa panahon ng mga kalamidad kabilang na pagbahang naranasan nitong mga nakalipas na araw.

“On Monday, we’ll have a briefing by the NDRRMC on the areas that were hit by the disaster so we can discuss and we can find out from them what are their plans for rehabilitation and check with the congressmen and LGUs if it’s the right prioritization so it will be rational. We will start with relief and then medical aid” pahayag ni Arroyo na nagtungo kahapon sa Barangay Pinulot sa Dinalupihan, Bataan  at sa Sasmuan sa Pampanga kung saan nanguna sa pamamahagi ng relief goods sa may 1,000 apektadong pamilya.

Ang Dinalupihan ay isa sa 10 distrito na matinding napinsala ng bagyo at habagat nitong mga nakalipas na araw.

Tiniyak ni Arroyo na tutulong ang Kamara sa mga nasalanta at ang relief at medical aids ay pasimulang ayuda pa lamang at sa susunud na mga araw ay kanilang isasapinal ang mga pwedeng maiambag para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (Gail Mendoza)