NDRRMC: P700M infra damage natamo sa Abra quake

NDRRMC: P700M infra damage natamo sa Abra quake

August 1, 2022 @ 3:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit P700 milyong pinsala sa imprastraktura ang naiulat dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra, ayonsa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Sa situational report nito, inihayag ng NDRRMC na may kabuuaang P704,491,498.76 pinsala sa imprastraktura ang naiulat sa Ilocos Region, Cagayan Region, at Cordillera Administrative Region.

May kabuuang P393,188,000 ng pinsala ang naitala sa Ilocos, P302,763,498.76 sa Cordillera, at P8,540,000 sa Cagayan.

Inilahad ng NDRRMC na hindi bababa sa 1,084 istraktura ang nagiba.

Samantala, pumalo naman sa P13,964,476 ang pinsala sa agrikultura sa Cordillera.

Na-monitor din ng National Irrigation Administration ang P4.5 milyong pinsala sa rehhiyon.

Ayon sa NDRRMC, 24,901 ng mga kabahayan ang nawasak —24,547 partially at 354 totally—sa Ilocos, Cagayan, Cordillera, at sa National Capital Region.

Batay sa NDRRMC, 10 indibidwal ang nasawi habang 394 ang nasugatan sa kalamidad. RNT/SA