NEA: 201 power interruptions naitala sa pagsisimula ng Halalan 2022

NEA: 201 power interruptions naitala sa pagsisimula ng Halalan 2022

May 9, 2022 @ 1:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 200 insidente ng power interruptions ang naitala hanggang nitong alas-11 ng umaga, Lunes, ayon sa National Electrification Administration (NEA).

Batay sa power monitoring report para sa eleksyon,  hanggang nitong alas-11 ng umaga, sinabi ng NEA na may kabuuang 201 interruptions ang naitala sa buong bansa, na may average duration na 70 minuto.

Mayroon namang 1,456 barangay– 437 sa Luzon, 251 sa Visayas, at 768 sa Mindanao ang apektado ng power interruptions mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng umaga.

“Based on previous report, ORMECO, PENELCO, ILECO I, TIELCO, DIELCO, and LEYECO V, reported with on-going restorations, were already restored except DORECO due to accessibility problems,” pahayag ng NEA.

“CASURECO I and DANECO are the ECs with ongoing restoration as of this report. MAGELCO is currently having isolated power interruptions due to technical problems,” dagdag nito. RNT/SA