‘Necessary corrections’ inilapat sa bagong P1,000 banknote- BSP

‘Necessary corrections’ inilapat sa bagong P1,000 banknote- BSP

December 12, 2021 @ 3:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Linggo na iwinasto nito ang spelling at formatting ng scientific name ng  Philippine eagle sa bagong P1,000 banknote.

“The BSP clarifies that the recently circulated photo of the new banknote was of a sample previously sent to the BSP for review,” pahayag nito.

“Necessary corrections have already been made, including the spelling and italicizing of the scientific name of the Philippine eagle,” dagdag ng BSP.

Ito ang naging pahayag ng central bank matapos punahin ng ilang social media users, kabilang si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang mga pagkakamali sa disenyo ng P1,000 banknote.

Sa serye ng Twitter posts, sinabi ni Zarate na ang tamang baybay ng scientific name ng Philippine eagle- Pithecophaga jefferyi- ay naging “Pithecophega jefforyi.”

Dpaat din umanong italicized ang scientific name “because it is in Latin and needs to be differentiated from the English.” 

“This is one of the rules in the proper writing of scientific names,” giit ni Zarate.

Tampok sa bagong disenyo ng pera ang Philippine eagle sa harap, kapalit ng World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda. Nakatakda itong ilabas sa Abril 2022.

“The design of the new 1000-piso polymer banknote features the Philippine eagle, which symbolizes clear vision, freedom, and strength,” ayon sa BSP.

“This is the first note in a new series of Philippine currency that will focus on the country’s rich flora and fauna,” dagdag nito. RNT/SA