NEDA chief: RCEP, walang negatibong epekto sa  local agri sector

NEDA chief: RCEP, walang negatibong epekto sa  local agri sector

February 21, 2023 @ 7:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinalagan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang alegasyon na may negatibong epekto ang  mega trade deal na  Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa  local agriculture sector.

“With regards to the allegation that the agricultural sector will be hurt, there’s no truth to that… whether or not there is RCEP, we need to invest in agriculture. Kinakailangan nating ma-address ‘yung mga concerns,” ayon kay Balisacan sa press briefing sa Malakanyang.

Kamakailan, sinabi ni Senador Imee Marcos na  hindi makababangon bagkus, papatayin ang local agricultural industries kapag tuluyan nang naipatupad ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa bansa na kasalukuyang nakasalang sa plenaryo ng Senado.

Ipinalabas ni Imee ang pahayag matapos isponsoran ng ilang lider ng Senado ang ratipikasyon ng RCEP sa plenaryo nitong Miyerkules kahit isinusulong ito ng administrasyon.

Sinabi pa ni Imee na kahit maraming puwedeng gawing interventions ang pamahalaan sa sektor na lubhang maapektuhan ng RCEP, binanggit naman nito na marami nang pinasok ng kasunduan ang bansa na hindi natupad ang mga ipinangako dito.

“‘Yung mga problema ngayon ng agriculture  has nothing to do with RCEP. The problems were outcomes of past neglects of the sector,” ang tugon naman ni Balisacan sa bagay na ito.

Winika ni Balisacan na sa pamamagitan ng pagraratipika sa  RCEP, ang bansa ay magiging  “even more forced to pay attention to agriculture because only then can you fully maximize the benefits that RCEP can give to us.”

Nilinaw naman ng  Department of Trade and Industry (DTI) na ang “highly sensitive agricultural products” para sa Pilipinas ay excluded o hindi kasama sa Schedule of Commitments ng bansa, nangangahulugan na ang mga produktong ito ay nananatiling protektado ng taripa.

Ilan sa mga  agricultural products  ay ang “swine meat, poultry meat, patatas,  sibuyas, bawang, repolyo, asukal, carrots, at bigas.

“It must be ratified. The future of our country depends so much on our ability to attract investors, particularly foreign capital because the domestic capital is not enough… By being a member, we are saying to the world that we are ready for business, we play the rules of the game well, and your investments are safe with us,” ang pahayag ni Balisacan. Kris Jose