NEDA: CLIMATE CHANGE DAPAT SERYOSOHIN

NEDA: CLIMATE CHANGE DAPAT SERYOSOHIN

June 14, 2022 @ 2:36 PM 2 weeks ago


Kinilala ng Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation, and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga makabuluhang hakbang na ginawa para sa mas higit na “climate resilient Philippines” sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ginanap na Duterte Legacy Summit: The Final Report to the People” noong Mayo 30, sinabi ni CCAM-DRR at DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna na malaki ang nagawa ng Pangulo tungo sa ‘institutionalizing the centrality of environment to the country’s development.’

 “The Duterte administration espoused that a healthy environment is the foundation for economic and social development,” saad ni Sampulna at binigyang-diin pa nito na ang Duterte presidency ay nanatiling nasa tamang daan sa “Climate Action Pathway” nito bilang istratehiya upang magkaroon ng katatagan at makaangkop ang ecosystem at mga komunidad na nasa panganib ng pinsala.

PARA kay outgoing socio-economic planner Secretary Karl Chua, nararapat na seryosohin at isapuso ang kahandaan sa epekto ng climate change sa bansa sa pagsasagawa ng economic planning.

Malaki umano ang maitutulong nito para maabot ng bansa ang “Ambisyon Natin 2040” na siyang pangmatagalang adhikain ng Pilipinas.

Kaya payo niya sa mga susunod na economic planners, patuloy na tutukan ang “triple planetary crisis” na climate change, biodiversity loss at pollution.

Ang mga ito aniya ay may malaking epekto sa ekonomiya at seguridad ng mga mamamayan.

Mungkahi niya, ang susunod na Philippine Development Plan ay dapat na nasa tema ng “saving our planet, saving our country”.

Sinimulan na ito sa ilalim ng Duterte administration sa pamamagitan ng Philippine Action Plan for Sustainable Consumption and Production na nagtatakda ng guiding framework para sa sustainable and climate-smart practices and behaviors.

Nakaangkla ito sa pagsasagawa ng mga “green revovery” gamit ang circular economy approaches at sustainable development goals.

Kaya kinakailangan umanong matugunan ang malaking pagitan ng mga mayayaman at mahirap sa bansa.