NEDA: Desisyon sa pagpapalawig ng draft EO sa reduced tariffs ng karne atbp, nakasalalay kay PBBM

NEDA: Desisyon sa pagpapalawig ng draft EO sa reduced tariffs ng karne atbp, nakasalalay kay PBBM

December 17, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakasalalay na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang draft executive order (EO) na nag-eextend sa reduced tariff rates ng imported na karne, bigas, mais, at coal para sa 2023, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan nitong Sabado.

Sa lingguhang Saturday News Forum sa Dapo Restobar sa Quezon City, sinabi ni Balisacan na ang EO “on the extension of reduced tariffs on the subject commodities of meat of swine, corn, rice, and coal,” ay inendorso ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa Pangulo nitong Biyernes.

“The extension of the tariff reduction for pork, corn, and rice is up to 31 December 2023, while that for coal goes beyond this date and will be subject to review every semester,” sabi ng NEDA chief.

Palalawigin ng proposed EO ang validity ng EO 171, na mapapaso sa December 31, 2022.

Sa ilalim ng EO 171, na ipinalabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo, ang tariff rate sa parehong in-quota at out-quota pork shipments ay pananatilihin sa reduced rates na 15% (mula 30%) at 25% (mula 40%).

Pinananatili rin ng EO ang mas mababang tariff rates sa bigas sa 35% para sa parehong in-quota at out-quota imports maging ang reduced duty para sa corn shipments sa 5% (mula 35%) para sa in-quota at 15% (mula  50%) para sa out-quota.

Pansamantala ring inaalis ang 7% tariff sa coal imports.

“The extension will provide relief to poor and vulnerable segments of the Filipino population whose welfare is reduced because of high inflation,” ani Balisacan.

“Through this policy, we shall augment our domestic food supplies, diversify our sources of food staples, and temper inflationary pressures arising from supply constraints and rising international prices of production inputs due to external conflict,” dagdag niya.

Sa panayam sa sidelines ng forum, inihayag ni Balisacan na ang EO ay “up to the President to sign.”

“It must be signed before the end of December. Otherwise, we will revert to the old regime…  We don’t want higher tariffs at this time when prices are very high,” dagdag niya. RNT/SA