NEDA: P279 daily food need ‘di sukatan ng pamumuhay

NEDA: P279 daily food need ‘di sukatan ng pamumuhay

August 19, 2022 @ 5:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang halaga na ginagamit para matukoy kung magkano ang kailangan ng pamilya para matugunan ang basic food requirements ay hindi sukatan ng “living condition” ng isang pamilya.

Sa isang panayam, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na sa pagtataya ng Philippines Statistics Authority’s (PSA) ang pamilya na may limang miyembro ay nangangailangan ng P8,379 kada buwan o P279 kada isang araw upang katagpuin ang basic food requirements ng “three meals a day” na metric lamang para madetermina kung sino ang mahirap.

“Ibig sabihin lang po is kung ‘yung kita mo,” ayon kay Edillon.

“Wala po kaming ginagawang judgment as to komportable ba ‘yung nagiging buhay. Sa pagkakataya po ng ating nutritionists, ito ‘yung amount you need so that you are able meet ‘yung basic requirements: recommended daily allowance for energy and then also for micronutrients,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose