NEDA suportado ang desisyon ni Duterte sa ‘di pagbaba sa MGCQ ng Pinas

NEDA suportado ang desisyon ni Duterte sa ‘di pagbaba sa MGCQ ng Pinas

February 23, 2021 @ 4:54 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang desisyon ni President Rodrigo Duterte na hindi pagpapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) hangga’t hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

“NEDA supports the recent decision of the President not to shift to MGCQ,” pahayag ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

“The whole of government will work hard, in cooperation with various sectors, to roll out the vaccine so that we can further open the economy,” dagdag ni Chua.

Nitong Lunes, inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque ang direktiba mula sa Pangulo na hindi ibaba ang restriksyon sa buong bansa sa MGCQ.

Matatandaang nirekomenda ng NEDA na isailalim ang buong bansa sa MGCQ simula Marso 1 upang ibangon ang ekonomiya ng bansa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •