NEDA: Turismo, foreign investment hihina sa pagpapanatili ng POGO

NEDA: Turismo, foreign investment hihina sa pagpapanatili ng POGO

October 20, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalalagay sa alanganin ang sektor ng turismo ng Pilipinas kung magpapatuloy ang operasyon ng online casino, ayon sa economic agency ng bansa.

Sa isang pagdinig ng House Committee on Labor and Employment, binanggit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang dalawang pinagmumulan ng pagkalugi sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang pagkawala ng turismo mula sa Tsina at ang pagkalat ng fraudulent transactions.

“Maintaining POGO operations places the country at risk of being included in China’s blacklist, thereby losing Chinese tourists and their contributions to GDP (gross domestic product),” ani NEDA Assistant Secretary Sarah Lynne S. Daway-Ducanes.

Bilang isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng merkado ng bansa, ang pagdagsa ng mga turistang Tsino ay nagdulot ng karagdagang direkta at hindi direktang trabaho ng higit sa 100,000 Pilipino, sinabi pa ng opisyal.

Nauna nang sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ang bansa ay nasa tourist blacklist ng China. Kalaunan ay itinanggi ito ng Chinese Embassy.

Samantala, iniulat ng NEDA mula sa datos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na humigit-kumulang ₱14 bilyon sa ₱54 bilyong transaksyon ng POGO sa pagitan ng 2017 at 2019 ay nasita bilang kahina-hinala. RNT