“Needle Man,” the world’s only sewing machine painter

“Needle Man,” the world’s only sewing machine painter

June 17, 2018 @ 10:18 AM 4 years ago


India – Isang mananahi sa India ang sumisikat ngayon sa social media dahil sa kaniyang kakaibang paraan ng pagpipinta gamit lamang ang sinulid at sewing machine. Sino bang makakapagsabi na ang pagpinta at pagtatahi ay posibleng gawin nang sabay?

Binansagan si Arun Kumar Bajaj bilang “Needle Man,” ang kauna-unahang sa buong mundo na sewing machine artist.

Ang mga gawa ni Arun ay talaga namang kamanghamangha dahil sa taglay nitong mga detalye na kung titignan sa malayo ay papasa talaga bilang isang hyper-realistic painting.

Maliit pa lamang si Arun ay mahilig na siyang gumihit at magpinta, ngunit ng mamatay ang kaniyang ama noong siya ay 16 years old pa lang, napilitan siyang mag-drop out sa school at ituloy ang negosyo ng kaniyang ama bilang isang mananahi.

Ngunit hindi ito naging hadlang kay Arun upang ipagpatuloy ang hilig niya sa pagpinta, kaya naman naisip niyang pagsamahin ang pananahi at pagpipinta gamit ang kaniyang sewing machine.

Matagal niya pinag-aralan ang ganitong klase ng art at ngayon, gumagawa na siya ng kaniyang pangalan sa larangang ito.

Kabilang sa mga kamanghamanghang gawa ng “Needle Man” ay ang 6×4 ft na paintining ni Lord Krishna na ginawa niya sa loob ng tatlong taon at ang 4×2 painting ng court of Ranjit Singh, the fabled Maharaja of the Sikh empire na mayroong halos 2,000 na human figures na nabuo niya naman sa loob ng isang taon.

Sa ngayon, si Arun ay nagpapatakbo pa rin ng kaniyang tailoring business sa Adalat Bazar of Patiyala, India. Itinatampok rin niya ang kaniyang sewing machine paintings sa kaniyang social media account.(Remate News Team)