Negatibong epekto ng ‘di pagsusuot ng face mask, ‘di kasalanan ng PH gov’t – Concepcion

Negatibong epekto ng ‘di pagsusuot ng face mask, ‘di kasalanan ng PH gov’t – Concepcion

September 13, 2022 @ 4:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni dating presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion nitong Martes na hindi dapat sisihin ang pamahalaan kung hindi magsuot ng face mask ang mga hindi bakunadong indibidwal at masapul ng severe diseases dahil sa COVID-19, dahil mayroon umanong available na booster shots para sa publiko.

Inulit  ni Concepcion, bahagi ng Private Sector Advisory Council ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ang panawagan niya sa publiko na magpaturok ng booster shots resa paglagda ni Marcos sa executive order, na pumapayag sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa outdoor settings.

Dahil dito, sinabi ni Concepcion na dapat bigyan ng opsiyon ang mga indibidwal ung nais nilang protektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19 sa pagpapabakuna, subalit hindi umano kasalanan ng pamahalaan dung mapa-ospital sila o mamatay dahil sa virus.

“Those people who want to take a risk and would not take the vaccine, fine. But if something happens to you, that’s your own lookout. You cannot blame the government for that because we’ve provided you all the vaccines for boosters. They will expire this year if you don’t take it,” aniya.

“Wala na tayong mandate, so let’s give them the choice. If they decide not to use [face masks] and they get sick, hospitalized or even die, that’s not the fault of the government, right? That’s the fault of somebody willing to take the higher risk,” dagdag ni Concepcion.

Bago aprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa voluntary masking, nanindigan si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mas pabor sila na magsuot pa rin ng face mask. RNT/SA