‘Negligence, criminal intent’ posibleng mitsa ng NAIA fiasco – Hontiveros

‘Negligence, criminal intent’ posibleng mitsa ng NAIA fiasco – Hontiveros

February 7, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Malaki ang paniniwala ni Senador Risa Hontiveros na may dalawang bagay na nangyari kung bakit nagkaroon ng malawakang brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lubhang naapektuhan ang mahigit 65,000 pasahero.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dalawang posibleng sanhi ng technical glitch sa NAIA ang kapabayaan at intensiyong kriminal ang siyang malinaw na kadahilanan ng naturang insidente.

“May negligence nga ba, meron bang even criminal intent nga ba that would have to come into play sa nangyaring malaki at seryosong insidenteng ito affecting about 65,000 passengers on that day,” ayon kay Hontiveros.

Naniniwala si Hontiveros na kahit hindi siya eksperto sa aviation, mayroon mas malaki at seryosong bagay ang nangyari kaysa technical glitch lamang.

Binuo ng pamahalaan ang isang inter-agency team sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTR), at Department of Information and Communications Technology (DICT), kabilang ang ilang may kaugnay na ahensiya upang imbestigahan ang pagkasira air traffic management system na nangyari sa pangunahing paliparan ng bansa.

Inaasahang magsusumite ito ng resulta ng imbestigasyon sa February 15 sa Senado, mahigit isang buwan matapos ang insidente.

Nitong Pebrero 6, pinuntahan ng ilang opisyal ng pamahalaan at senador kabilang si Hontiveros ang Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Pasay City.

“While we were able to see the hardware, the Jan. 1 incident couldn’t be restaged during our visit. The senators were also unable to check the history of maintenance or lack thereof, which may have been a factor in the NAIA fiasco, giit ni Hontiveros.

Umaasa si Hontiveros na lilitaw ang “pinakamahalagang nawawalang piyesa ng masalimuot na insidenteng ito kapag nakumpleto ang imbestigasyon ng intera-agency ng DOTR at DICT.”

“Once completed, this will help the Committee on Public Services led by Sen. Grace Poe in its own probe and the crafting of a report regarding the issue,” giit ni Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na sakaling mapatunayan na mayroon kapabayaan at criminal intent sa insidente, malaking tanong kung magbibigay ng kumpensasyon ang pamahalaan sa libu-libong pasaherong apektado nito.

Dahil dito, muling isinulong ni Senador Grace Poe ang pagsasabatas ng Philippine Transport Safety Board Act sa ilalim ng Senate Bill No. 1121 upang mag-imbestiga sa lahat ng aksidenteng may kinalaman sa transportasyon, kung ano ang dahilan at kung paano maiiwasan ito. Ernie Reyes