NegOcc bettor wagi ng P24M lotto jackpot

NegOcc bettor wagi ng P24M lotto jackpot

March 15, 2021 @ 12:32 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya sa Negros Occidental matapos tamaan ang P24 million jackpot nitong Linggo sa Super Lotto 6/49, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Lunes.

Nahulaan ng mananaya ang winning combination na 49-46-25-42-39-37 na may P24,110,508.40 jackpot prize.

Nabili ang lotto ticket sa Himamaylan, Negros Occidental.

Siyam ding mananaya ang nanalo ng tig-P50,000 matapos mahulaan nang tama ang limang numero.

Ang 6/49 Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. RNT