NegOr Gov Degamo tinadtad ng bala!

NegOr Gov Degamo tinadtad ng bala!

March 4, 2023 @ 2:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay si Negros Oriental Governor Roel Degamo at limang iba pa matapos pagbabarilin habang namamahagi ng tulong sa kanyang tirahan sa Pamplona, ​​Negros Oriental, ayon sa pulisya ngayong Sabado.

Kinumpirma ni Siaton Mayor Fritz Diaz ang pagkasawi ng gobernador.

Sinabi ni Police Regional Office Region 7 spokesperson Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare na hinarap ni Degamo ang mga benepisyaryo ng 4Ps program sa Barangay San Isidro nang pagbabarilin siya ng grupo ng mga indibidwal na naka-pixelized na uniporme at naka-full battle gear.

Si Degamo at ang iba pang biktima ay isinugod sa pinakamalapit na ospital kasunod ng insidente.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng mga sibilyan na nasugatan sa insidente ng pamamaril.

Sinusuri na ng mga imbestigador ang kuha ng CCTV at kinakapanayam ang mga saksi hinggil sa insidente ng pamamaril.

Nagsasagawa ng hot pursuit operations ang Negros Oriental Police Provincial Office at Pamplona Municipal Station laban sa mga suspek sa oras ng pag-post.

Nagpatupad ng mga road blocks para hindi makalabas ang mga suspek sa munisipyo at probinsya. RNT