NegOr Gov. Teves at boto ng tao, dapat igalang

NegOr Gov. Teves at boto ng tao, dapat igalang

October 1, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nangangamba ang mga mamamayan sa Negros Oriental na baka manakaw ang kanila pag-asa sa pamamagitan ng paghadlang sa kanila niluklok na bagong Gobernador sa probinsya.

Nagigiging palaisipan sa kanila ang ilang balitang kumakalat na maari daw mapaalis sa pwesto ang kanilang bagong gobernador na si Gov. Henry Teves kapag pinaburan ng Commission on Election (Comelec) ang nanggugulong natalong gobernador na tila ayaw na pakawalan ang Negros Oriental sa kanyang mga kamay ayon sa mga ito.

“Bakit naman kung kelan napakasaya na ng mga tao sa dito sa oriental tsaka naman bigla nilang hahadlangan. Nais namin ng pagbabago at umangat ang aming probinsya sa pamamagitan ni Gob. Teves. Huwag ito dapat pahintulutan ng Comelec,” pahayag ng isang mangigisda sa lugar na ayaw magpakilala.

Matatandaan na si Gov. Teves ay dineklarang panalo noong nakalipas na eleksyon sa pamamagitan ng mataas na kalamangan sa dating Gobernador na si Roel Degamo at ang isa pang tumakbo din na si Ruel Degamo.

Hiling ng ilang residente na huwag pahintulutan ang natalong gobernador na muling makaupo at hayaan na magkaroon ng magandang pagbabago ang Negros Oriental sa pamamagitan ni Teves. RNT