NegOr inulan ng yelo

NegOr inulan ng yelo

November 10, 2022 @ 8:24 AM 4 weeks ago


BAYAWAN CITY- Namangha ang mga residente sa lungsod na ito matapos umulan ng yelo sa kanilang lugar dahilan para lumabas ang mga ito at maranasan dumampi sa kanilang katawan ang bumabagsak na yelo, kahapon ng hapon.

Ayon sa mga residente ng Barangay Mandu-ao ng naturang lungsod biglang bumuhos ang ulan at sinundan ng mga maliit na tipak ng yelo.

Samantala, binalaan naman ng PAGASA ang mga residente na hindi dapat nila kinakain ang yelo na bumabagsak.

Nilinaw ng PAGASA na walang kinalaman ang lunar eclipse nitong Martes sa pagsabay ng pag-ulan ng yelo sa lugar kundi ito ay dahilan sa matinding buhos ng ulan.

Bagkus malaking tulong ang pag-ulan ng yelo dahil naging maliwanag ang ulap at nasilayan nila ang Blood Moon sa kalangitan. Mary Anne Sapico