NegOr Rep. Teves nakiramay sa pagkamatay ni Degamo

NegOr Rep. Teves nakiramay sa pagkamatay ni Degamo

March 6, 2023 @ 3:26 PM 3 weeks ago


Nagpahayag ng pakikiramay si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Kuya Arnie” Teves sa kapwa Negrosanon na napaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo kamakailan.

Marami ang nagpakita ng respeto sa pahayag nito dahil sa kabila ng pagiging magkaiba ng partido, nagbigay pakikiramay pa rin.

“Masakit ang mamatayan. Kaya ako ay nakikiramay sa na-ulila ng mga nabiktima sa insidente,” pahayag ni Teves.

Bukod dito, nabanggit din ng mambabatas na ito ang kanyang inaalala dahil maaring ibintang sa kanya dahil kapatid nito ang nakalaban sa eleksyon ni Degamo.

Sinabi pa nito, na hindi or kung kaya man, ay walang dahilan na maging pakana siya ng pamamaslang dahil hindi siya o kapatid niya ang makikinabang.

“Magandang umaga sa lahat ng aking mga palangga, sa ating mga kababayan, at sa lahat ng mga marites at epal dyan,” pagbabahagi niya sa isang Facebook post Lunes ng umaga, Marso 6.

“Pagpasensyahan niyo na na medyo natagalan itong medyo matagal niyo nang hinihintay. Alam ko ang daming gusto humingi ng reaksyon ko tungkol sa pangyayari sa aming probinsya sa Negros Oriental,” dagdag pa niya, na pinatutungkulan ay ang nangyaring pagpatay kay Governor Roel Degamo nitong Sabado, Marso 4.

“Na-delay lang ito ng konti dahil nasa abroad din ako dahil overdue na ang aking pagpapagamot, ang aming pagpapalagay ng aking stem cell. Eh ang doktor ko ay hindi bumalik so kailangan ko siyang puntahan,” paliwanag pa ni Teves.

Sinang-ayunan din ng marami ang panawagan nito sa Presidente Bongbong Marcos na tumulong manumbalik ang kapayapaan sa Negros Oriental maging ang hiling nito na mabigyan muli ng lisensya sa baril para sa proteksyon nito sa banta ng panganib. RNT