NEGOSYANTE, BANGKERO MAKIKIISA SA BAGONG GOV’T

NEGOSYANTE, BANGKERO MAKIKIISA SA BAGONG GOV’T

May 16, 2022 @ 10:27 PM 1 month ago


MAGANDANG balita na nakikiisa ngayon sa bagong gobyerno ang mga malalaking ne-gosyo at mga bangko para sa pagsulong ng kaunlaran at pagbangon na rin mula sa krisis ng ating mahal na Pilipinas.

Nauna rito, mga Bro, iniuulat, lalo na ng  mga dayuhang media. na mananatiling istambay ang mga mamumuhunan, kasama na ang mga malalaking negosyante at bangkero, at hindi basta  kikilos para maglagak ng puhunan sa bansa ang mga ito dahil sa pangamba na magpapatuloy ang korapsyon at mapang-abusong pamahalaan sa ilalim ng may tatak Marcos.

Isa pa, kikilos lang umano ang mga mamumuhunan kung may malinaw na patakarang pangnegosyo ang bagong pamahalaan na wala umano sa buong panahon ng kampanya at kung magugustuhan nila ang mga taong itatalaga na mamahala sa negosyo at bansa.

Pero nandiyan na nga ang pagtindig ng pinakamalaking samahan ng mga negosyante sa bansa, ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, ang Bankers Association of the Philippines at ang mga dayuhang negosyanteng bumubuo ng Joint Foreign Chambers, at American Chamber of Commerce.

PAGKILALA NG IBA SA BAGONG
PAMUNUAN NAKATULONG

Sa kabila ng todo-reklamo sa umano’y dayaan sa nakaraang halalang Mayo 9, 2022 ng kaunting bahagi ng ating lipunan, lumalabas na nirerespeto ng higit na nakararami, kasama ang mga dayuhang bansa, na naging malinis at mapayapa ang halalan.

Batay lamang sa unofficial counting of votes ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa loob ng tatlong araw, sunod-sunod na ang pagtanggap ng pagkatalo ng mga kandidatong nakalaban nina President-elect ex-Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice President-elect Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Maging si VP Leni Robredo, bagama’t hindi klarong sumuko, nagsabi na ring tanggapin dapat ng kanyang kampo ang boses ng higit na nakara-rami.

Sunod-sunod ding kumilala sa bagong pamunuan at gobyerno ang iba’t iba lider ng bansa mula kay Presidents Xi Jinping ng China, Joseph Biden ng United States, President Boris Johnson ng United Kingdom, Japan Prime Minister Fumio Kishida at iba pa. Lalong magiging matibay ang mga pagkilala ng mga Pilipino at dayuhan sa bagong gobyerno at pamunuan  magproklama ng mga panalong senador at partylist at magproklama ang Kongreso ng mga nagwaging Pangulo at Pangalawang Panguo.
Tiyak na nakatulong ang mga pangyayaring ito upang magsimulang mag-isip ang mga negosyante at bangkero kung paano sila sasali sa mga hakbang na maingat ang ekonomiya ng bansa at             maging kapaki-pakinabang sa lahat.

MATATAG NA PUNDASYON SA
 ADMINISTRASYONG DUTERTE

Tanggapin man o hindi ng mga kritiko ng pamahalaan, iiwanan ni Pangulong Rodrigo Duterte pa-mahalaan na may matatag na pundasyon laban sa pandemya at mga ugat para umangat ang eko-nomiya. At ito ang durugtungan ng bagong gobyerno at pamunuan upang, kasabay ng ilang mahaha-laga ring pagbabago, para tuloy-tuloy na sanang aangat ang kabuhayan ng buong sambayanan.

Kabilang sa mga iiwanan ng administrasyong Duterte ang mga malalaking imprastraktura na hindi gaanong nilantakan ng korapsyon at pandarambong, pagtahimik ng Mindanao sa terorismo at paghina ng rebelyong komunista na naging sagabal sa pag-unlad, malaking pagkadurog ng iligal na droga at krimen na nagbibigay ngayon mapayapang pa-mumuhay ng mga mamamayan, libreng edukasyon sa kolehiyo, mapagkalinga sa mga maysakit sa bisa ng Malasakit Centers at iba pa.

Hindi dapat padadala ang mga mamamayan sa mga layunin ng iilan na gusto lang wasakin ang mga pangarap ng lahat na mabubuti para sa buong sambayanan.

Anomang reklamo o puna, iparating lang sa www.remate.ph o i-text sa 0921-4303333.