Negosyante inireklamo ng rape ng dalagita sa Maynila

Negosyante inireklamo ng rape ng dalagita sa Maynila

February 15, 2023 @ 4:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 52-anyos na negosyante matapos ireklamo ng rape ng isang dalagita sa isang motel sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na ang dalagita ay kapatid ng dating girlfriend ng suspek na si Allan Sutarez, 52, nakatira sa Elisa Homes, Phase 4, Brgy. Molino 4, Bacoor, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng MPD-District Special Operation Unit (MPD-DSOU), bago ikasa ang operasyon sa isang motel ay nakatanggap ng tawag ang ama ng biktima mula dito na nasa loob ng motel kasama ang ex-boyfriend ng kanyang nakatatandang kapatid.

Dahil dito, humingi ng saklolo ang ama ng dalagita sa tanggapan ni P/Major Rommel Purisima na hepe ng MPD-DSOU upang ma-rescue ang menor na anak at maaresto ang suspek.

Sa nasabing operasyon, naaktuhan na hubot-hubad pa ang suspek nang buksan ang pintuan nang kumatok ang room boy habang ang dalagita naman ay nakakumot sa kama.

Agad namang itinurn-over ng MPD-DSOU sa Women and Children Counsel Section ang suspek para sa kaukulang pagsasampa ng kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden