Negosyante kritikal sa pananambang

Negosyante kritikal sa pananambang

March 5, 2021 @ 12:45 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

ISABELA – Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya ay nakorner ang patakas sanang suspek pagkatapos pagbabarilin ang isang negosyante sa Barangay San Rafael, Roxas, ng lalawigang ito kagabi.

Nasa kritikal na kalagayan pa rin sa pagamutan ang biktima na si Demy Buluran, 36-anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Habang ang suspek ay nakorner ng pulisya na si Lando Simplicio, 32-anyos, binata, drayber at residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Ayon kay PMaj. Edgar Manuel, hepe ng PNP Roxas, habang binabagtas umano ng biktima ang timog bahagi papuntang San Manuel, Isabela sakay ng kanyang Toyota Vios na may plakang XNC 268 ay hinarang ng suspek sakay ng motorsiklo ang kanyang sasakayan saka ito pinagbabaril.

Maswerteng naimaneho pa nito ang kanyang sasakyan at nakahingi ng saklolo ang biktima sa mga kapulisan ng Roxas Police Station na nakabantay sa Quarantine Checkpoint sa Barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Narekober sa crime scene ang 7 basyo ng caliber 9mm na baril na ginamit ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang dibdib at kanyang paa ang biktima na agad dinala sa Yumena Hospital sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela para sa agarang lunas ngunit agad ding inilipat sa IUDMC sa Cauayan City.

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa frustrated murder ang suspek na pansamantala nasa kostudiya ng pulisya. Rey Velasco


  •  
  •  
  •